Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2019

TOGUEther

Imahe
First time kong maging fan boy sa isang youtuber. Sa aldub naadik ako pero ngayon. Iba to hahaha. I clicked right away. Di ko alam kung saan ko ilalagay yung saya at galak ko. Sumisikat ka na (Claiming here) ang sarap makihati sa mga achievements mo kahit ganito lang. And I know that this is all for the Glory of the LORD. Go! Go! Go! Mai 😊. Tandaan mo na lagi lang akong susuporta sayo. And I will always Pray for you and you're family. Pashout naman! 🀟Rocker naman yun e hindi Rapper ✌️πŸ˜‚ lab you Hihingi sana ako HAHAHA. Feeling ko masarap yung Lumpiang TOGUEther. Feeling ko lang ba ? Have a nice day!

Wait!!! There's more

Imahe
Titigil na ako... Hindi dahil pagod na ako na lagi nalang ganito. Sa totoo lang naman ako lang yung gumawa sa sarili ko. Ganun mo siguro kamahal si LORD kasi maski ikaw ayaw mo muna. Yung walang nang gugulo kasi madami ka pang gagawin. At you're just there pag tamang panahon na. I'm praying for you. At magpapatuloy yun. Hindi para sabihin sa LORD na ikaw na ang makatuluyan ko. Si LORD lang ang nakaka alam nun. Ayaw kong pangunahan SIYA. Pero that's my heart desires. Pasok ka sa Standards e. Dahil alam kong mas Mahal mo SIYA sa kahit na sino o ano mang bagay sa mundo. Di ako napapagod. Ngayon pa ba na sa dami na ng pinagdaanan ko. Ikaw pa din ang perlas na nakilala ko. I don't want to distract you. And on HIS right time. Malalaman natin. Babalik na naman sa mga panahon na hindi naguusap. At magpapansinan naman? Pero hanggang sulyap na naman at patuloy na pipigilan ang nararamdaman. Pwede kayang wag muna tayong magkita? "LORD WAG MUNA PLEASE!!!" Madidi

Wag

Imahe
" I charge you, O daughters of Jerusalem, Do not stir up nor awaken love Until it pleases. " ( Song of Solomon 8:4 )

Un-Na

Imahe
Tumuntong na tayo sa panibagong kaalaman. At sa mga panahong ito pareho ng bago. Excited ako dahil bukod sa bago ang uniform ko. Mas malapit na sa akin yung school ko. Pero ang pangamba ko, baka ikaw naman ang malayo ng panahon na yun. "Sana" lang ang nasa isip ko ng mga oras na yun. Wala akong alam sa kung paano sila magsaayos ng mga sections. Naniniwala ako na tinadhana yun. Akalain mong nagtagpo na naman tayo. Naging maayos ang simula ng lahat. Palibhasa magkakilala na tayo. Ganun pa din ang tropa apat pa din kami. Sa inyo naman may mga dumagdag na bago. Naging masaya ang araw dahil na susulyapan na naman kita. Hulihin na ako ng pulis dahil nagnanakaw ako. Bakit ba? Maaga akong pumapasok dati isa pa ako sa nagbubukas ng classroom. Mas gusto ko kasing nakikita kang pumasok sa classroom. Habang hinahanggin yung buhok mo mula sa malakas na hangin na nagmula pa sa dati nating school. Sumusunod ata yun sayo e. Di ka pa rin nagbabago ikaw pa rin ang perlas na una kong nakita.

Anim na Baitang

Imahe
Nakita kita sa di inaasahang oras at panahon. Hindi agad kita napansin noon dahil una sa lahat mas iniisip ko ang sarili ko dahil wala akong kilala at lahat ng tao'y nagsalita sa lenggwahe na di ko nakasanayan. Nagbago ang lahat ng magsimula mo ng yanigin ang mundo ko. Nag earthquake drill naman tayo! Pero bat ganun nabagok ata ako. Nangingibabaw ka sa Lahat isa kang perlas na alam kong balang araw ay kikinang.  Naalala ko pa yung kulot mong buhok at headband sa ulo. "Malakas kasi ang hangin sa classroom natin kaya kailangan mo yun".  Yung maliit mong mukha na parang sa manika at yung cute mong ilong na gusto kong pisilin pero di ko magawa. May sarili kang mga kaibigan noon at ako din naman ay kalaunan nagkaroon. Nakahati ang classroom natin dati tandang tanda ko. Kung saan nandon ka at sa kabila nama'y ako. Hindi magtagpo ang landas natin kahit magkasama lang tayo. May mga pagkakataon na nagiging magkagrupo tayo at nagkakaisa sa isang gawain. Parang yung mga mata