Anim na Baitang

Nakita kita sa di inaasahang oras at panahon. Hindi agad kita napansin noon dahil una sa lahat mas iniisip ko ang sarili ko dahil wala akong kilala at lahat ng tao'y nagsalita sa lenggwahe na di ko nakasanayan. Nagbago ang lahat ng magsimula mo ng yanigin ang mundo ko. Nag earthquake drill naman tayo! Pero bat ganun nabagok ata ako.

Nangingibabaw ka sa Lahat isa kang perlas na alam kong balang araw ay kikinang.  Naalala ko pa yung kulot mong buhok at headband sa ulo. "Malakas kasi ang hangin sa classroom natin kaya kailangan mo yun".  Yung maliit mong mukha na parang sa manika at yung cute mong ilong na gusto kong pisilin pero di ko magawa.

May sarili kang mga kaibigan noon at ako din naman ay kalaunan nagkaroon. Nakahati ang classroom natin dati tandang tanda ko. Kung saan nandon ka at sa kabila nama'y ako. Hindi magtagpo ang landas natin kahit magkasama lang tayo. May mga pagkakataon na nagiging magkagrupo tayo at nagkakaisa sa isang gawain. Parang yung mga mata ko nagkakaisa din, sayo lang nakatingin.

Oo nga't bata pa tayo para maunawaan ang lahat kaya ito'y aking kinibit balikat. Naging masaya tayo sa mga taong napili nating samahan. Di ko na matandaan kung ilan ilan kayo lahat pero yung sa amin tandang tanda ko'y apat. Wala tayong iniisip na mga pangarap ang gusto lang ay magsaya at humalakhak. Pero hindi pala ganun nag tatapos lahat...

May mga tuksuhan kung kanino siya para sa kanya. At kanya naman ay siya. Ang laki laki ko naman nung mga panahon na yun a! At kumikinang pa ako sa puti "Spaghetti you like?" asar pa sa akin. Pero sa aming apat bat ako yung hindi mo napili. "Okay lang naman no hurt feelings" Oo! Alam kong hard yun pero masakit e. Pero dahil bata alam ko yun ay mawawala at huhupa.

Nagtapos ang taon at panibagong baitang ng pagaaral na naman ang haharapin natin. Naging masaya ako dahil kahit sa maliit lang na classroom na tumbok ng gate 2nd floor dulo sa kaliwa. Nakita ko sayo ang lahat tumawa, umiyak, natakot, nandiri, sumayaw, kumanta, nagfeeding, umaabsent? nagreport at higit sa lahat IKAW. IKAW yung nakita ko.

Isa lang ang masasabi ko naging masunurin nga ako. Pati nga sa nararamdaman ko.



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Maimai