Maimai

Great day beautiful creation,

As I was browsing my blogs back then naalala kong may Ganito pala. Nawa ay Hindi ka nasuka o nasukot (cringe) sa kung gaano ako ka jologs at tinamaan ng malala sayo. Sino ba namang hindi? Kung gaano ka ba namang kasi kaganda ay ganun din ang hinigit ng puso mo. 

Kumusta Mai? I know it's been a while ng makausap kita. Ang now habang binabasa mo ito I don't know what you are doing but hoping your well and safe. 

So ayun, I created this blogs way back nung mga panahong nalaman kong may ganito pala haha and also for me to have a secret stash of goodness. Because you see you are my happiness. Quick recap lang, ayun from infatuation to true love. Akalain mo yun napanatili ko ng mahabang panahong. Dumaan man ako sa ibat ibang daan sayo pa rin bumabalik. 

This one today will be different. Ito na din siguro Yung huling pagkakataon na magkakalaman ito. You are very special among others maybe that's how my eyes see it but more than my heart speaks for it. Naiisip ko noon Ang sarap sigurong alagaan Ang Isang tulad mo (baby pala haha). You are just shining.

Patawarin mo ako for being a creep, like keeping this a secret and watching you from a far ganun katorpe si Jau.  Tapos ganun Pala Yung nararamdaman ko. But I'm not sorry for what my heart says..Lahat ng nabasa mo, it may seem childish man yun or funny. Yun Yung laman ng puso ko. Mga salitang ninais ko din na mabanggit sayo. Mga bagay na magagawa ko. Kung sakaling Kasama kita. 

Bakit nga ba ako nagsulat ngayon? Kasi nangangamba akong di ko ito maipaalam sayo. Na dumating yung time na God allowed you with someone then ito ay maibabaon nalamang. Nais kong ipaalam sayo na for the past few years. May isang taong nanalangin para sayo. Masaya sa Lahat ng naabot mo. Na di ko man naranasan na makasama ka, mahawakan ang kamay mo, makausap ka ng matagal. You always have a special place In my heart. 

Sayang lang at wala ng time. It feels like we're very far. Maybe that's how it is. I don't know.

Maganda sana kung personal ito kung mabigkas while taking a sip, kaso baka wala lang din akong masabi hahaha. 

Mai, Hardships man yan or achievements, I'm silently praying with you. May God bless you in your future endeavors.

Ang iyong kaibigan,

Jau

Mga Komento

  1. Hi, how are you? I hope you’re feeling great. Ummh just want you to know my thoughts. It kept bothering me for almost a weeks.

    Last October 17 you messaged me, and sabi mo na basahin ko yung blog mo, and unfortunately 3 lang ang nabasa ko sa mga iyon, kasi naiinis ako sayo akala ko 'yun na yung mga blog mo and hindi na ako nag-explore pa at limited lang sa phone yung nakikita ko. Naiinis ako bakit ngayon lang?! Basta i’m upset that time at pinangunahan ako ng inis. Ramdam mo naman yun sa reply ko. Nasa Archive pa pala ang iba at recently ko lang nabasa ang lahat. Mixed emotions. Overwhelmed. And I cried.

    Here’s my thoughts.

    Honestly, napatanong ako kay Lord bakit ngayon ko lang nabasa ang lahat ng iyon? Bakit hindi mismo noong araw ng October 2023. May reason siguro si Lord at iyon ang hindi ko pa alam.

    Lagi mong sinsabi sa mga letters mo na baka hindi naman magbago ang nararamdaman ko, or hindi kita pinapansin. Paano mo malalaman kung hindi mo pa sinusubukan?! Pinapangunahan mo ako Jau. Nag-decide ka na wala na, and doon ako nainis.

    I want you to know that I’ve waited. Hindi lang noong taon na iyon (bago matapos ang taong 2023) kasi nagsabi ka na mag-usap tayo. Pero hindi ka nag-approach ulit. I’ve waited for a years, Jau. I’ve waited for you to pursue and ask me and make the first move.

    Noong year, 2020. Nag-approach ka about sa Bible lesson? Hindi mo alam kung gaano ako kasaya noon, dahil ang ganda ng journey mo with the Lord and muli tayong nag-reconnect. Syempre tinanggap ko yung alok mo kasi mapapalapit ako sayo, but nung nalaman ko na hindi na pala tayo same ng pinaniniwalaan, and iba na yung Church mo, tumigil ako, nag-pray ako kay Lord kung paano ko sasabihin sayo na balik ka na sa dati mong Church, or sa Church ka nalang namin. Kasi i’m worried noon na iba yung teachings sa inyo, ilang beses kong pinagpray kay Lord na makausap kita nang hindi na-ooffend pero wala e. Umiyak ako nun kay Lord, sabi ko “Lord, bakit? Akala ko siya na yung binigay mo sa akin. Sign na ba to na hindi siya para sa akin? Let go ko na ba?” And then you stop. Nag-ppray parin ako nun na sana balang araw, you will comeback sa dati mong pinaniniwalaan. Ito din ang dahilan kung bakit nasabi ko sa sarili ko na stop na, baka nga hindi tayo para sa isa’t-isa. Sakit.

    And naalala mo pa? nung nakikita kita na mag-jogging sa Memorial? natutuwa ako kapag naabutan kita dun, and may isang beses na gusto kong mag-jog kasi alam kong nag-jjogging ka. Napapaisip ako nun kung gusto mo ba ako or what, and nung nabasa ko yung mga messages mo, posible pala yun? Yung mag-admire ka lang from a far kaso wala e. Parehas tayong walang courage.

    Sinasabi ko sa'yo ito lahat, dahil ayaw kong mag-sisisi balang araw na hindi ko sa'yo nasabi ito, sobrang tagal ko nang gustong sabihin sa'yo. This time. I will finally let go the idea of “us”. Hindi lang siguro magtugma ang timeline natin, maging ang puso natin. Thank you for praying. Thank you for loving me from a far. Sana nasa mabuti ang estado ng puso mo ngayon, continue to pursue Him. Ang prayer ko sa'yo, nawa'y nasa right path ka. Thank you, Jau. I will let go na, Jau.

    Thank you for everything. God bless you always. Sana mabasa mo ito.

    Maybe in another life.
    -mai

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

He wants you safe more than I do