Wag

" I charge you, O daughters of Jerusalem, Do not stir up nor awaken love Until it pleases. "
( Song of Solomon 8:4 )

Minsan naisip ko kung kung bakit hindi ganun kalakas ang loob ko pagdating sayo. Dinadaga ako sa totoo lang, tuwing nakikita kita sa malayo di ko na alam ang gagawin ko. Maraming beses ko na din sinubukan na kausapin ka sa pamamagitan na gamit ang teknolohiya. Bakit sa Tuwing may okasyon lang ako may lakas ng loob para mabati ka. At pagkatapos nun ay patay na ang linya. 

Madami na ang dumaan sa buhay natin nakipaghalubilo sa mga taong ni minsan di natin inasahan. At nakatanggap ng mga parangal sa kung papaano natin tinahak ang buhay.

Umiwas ako...

Kasi Mahal kita.

Ang labo diba ? Maraming pagkakataon ang dumaan. Pwede akong magpasikat sayo para iyong magustuhan. Gumawa ng mga bagay na hindi ako para kahit papaano masulyapan man lang.

Pero bakit hindi ko ginawa ? 

Kasi Mahal kita. 

Gusto ko kasing makilala mo ako sa kung ano ako kaya mas pinili kong magpaka ako. Gaya nung paano tayo nagkakilala dati. Yung tahimik lang, yung lihim na nagmamahal, yung matawag lang ang pangalan sapat na. 

Bakit ako ganun ? 

Kasi Mahal kita.

 Nilakasan ko ang loob ko dito at pinilit ang sarili pero "Wag"

Nagising ako at Natauhan. Sa kung bakit ito nagaganap lahat. At anong ang dahil ng LORD para mangyari ito. He said to me na " Anak! Wag mo munang gambalain ang kapatid mo na ito. May ipapagawa pa ako sa kanya." That verse from Song of Solomon struck me at sinabi sa sarili na "Praise GOD!"

Umiwas ka anak...

Kasi Mahal kita.

Wag mo munang gawin anak...

Kasi Mahal kita.

Love Me first anak...

Kasi Mahal kita.

Walang pagsidlan ang galak ko sa tuwing nakikita ko ang mga post mo. Lalong lalo na syempre yung Fire mo sa LORD. Tama lang na hindi kita ginambala ng mga panahon na iyon. Hindi mo man narinig yung nararamdaman ko. Alam ko naman na mas Minahal mo si LORD. Yung ang tunay na mahalaga. Magpatuloy lang tayo! Maximize our Season!

I'm Praying for you. Always 🙂

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Maimai

He wants you safe more than I do