Un-Na

Tumuntong na tayo sa panibagong kaalaman. At sa mga panahong ito pareho ng bago. Excited ako dahil bukod sa bago ang uniform ko. Mas malapit na sa akin yung school ko. Pero ang pangamba ko, baka ikaw naman ang malayo ng panahon na yun. "Sana" lang ang nasa isip ko ng mga oras na yun. Wala akong alam sa kung paano sila magsaayos ng mga sections. Naniniwala ako na tinadhana yun. Akalain mong nagtagpo na naman tayo.

Naging maayos ang simula ng lahat. Palibhasa magkakilala na tayo. Ganun pa din ang tropa apat pa din kami. Sa inyo naman may mga dumagdag na bago. Naging masaya ang araw dahil na susulyapan na naman kita. Hulihin na ako ng pulis dahil nagnanakaw ako. Bakit ba? Maaga akong pumapasok dati isa pa ako sa nagbubukas ng classroom. Mas gusto ko kasing nakikita kang pumasok sa classroom. Habang hinahanggin yung buhok mo mula sa malakas na hangin na nagmula pa sa dati nating school. Sumusunod ata yun sayo e. Di ka pa rin nagbabago ikaw pa rin ang perlas na una kong nakita.

Ito na! Ang part na di ko makakalimutan sa buhay ko kung saan. Hotdog ang agahan ko at baon ko'y limang piso. Kinausap mo ako (*kinikilig*) di ko alam kung anong mayroon sa araw na yun. Tayo nalang ba ang tao sa room ? At nakapagusp din tayo sa wakas! Di na ako magpapanggap araw araw gusto kong abangan ang susunod na kabanata sa atin. Minsan natutulala na lang ako pagkausap kita di ko na nga alam yung sinsabi mo e. Bawat salita ay nasa isip "Sana di pa dumating si maam" Bawat bigkas ay parang musika. Yung tawa mo na maliit lang pero nakakayanig ng puso.

Kahit hindi ako yung bida sa istorya na nilikha nating dalawa (Ako lang pala). Siya at hindi ako. Naging tagapagpayo ako kahit ang tangging alam ko lang ay yung nararamdaman ko sayo. Maingay ang pangalan niyong dalawa. Ang puso ko naman ay humihina pero lahat ng tarak sa pisara sa akin napunta. Mas nasaktan ako ng dumating sa puntong kinailangan kong umiwas para sa ikakasaya ng kaibigan. "Mahal din naman kita ah. Pero siya ang pinili mo" Anong magagawa ko ? Nahanap ko ang sarili sa tukso ng karamihan kaya kahit hindi ko mahal aking pinatulan. Wala naman akong kailangang patunayan. Kasi nung una pa lang alam kong di mo na ako maiintindihan. Nakabaling na sa iba ang atensyon mo. Ako naman nakabitin sa sitwasyon na hindi ko ginusto. Kinalaunan nagtapos din naman kami. Pero yung sayo bat ganun nandito pa rin ?

Pinili ko ng tumahimik at simula nun bumalik ako sa sulyap na dati ko pa namang ginagawa. Naging masaya ako para sa iyo. Hanggat nakikita ko ang mga ngiti mo. Napapanatag ako na alam kong nasa mabuti kang kalagayan.

Tadhana na din ang nagudyok. Na mula sa apat na sulok ng classroom na yun. Ang huling pinakamalapit na distansya makakapiling kita. Ito na pala yung huli na magiging classmate kita.

Mangga ka ba ? Kasi gusto ko na ang pagmamahal na mararamdaman ko ay MANGGAgaling sayo.



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Maimai

He wants you safe more than I do