Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2020

Di pa ngayon

Gusto kitang makasama. Gusto kong maramdaman ang presensya mo.  Hindi pa ito ang panahon alam ko. Gusto kitang masilayan. Gusto kong makita yung mga mata mo na titingnan ako. Hindi pa ito ang panahon alam ko. Gusto kitang makausap. Gusto kong marinig ang mga kwento mo. Hindi pa ito ang panahon alam ko. Di ko man magawa ang mga bagay na ito sa ngayon. Gusto ko lang malaman mo na patuloy kitang ipapanalangin sa landas na tinatahak mo ngayon.  Hayaan mong samahan kita sa mga lakad at landas na pupuntahan mo. Kahit di mo ako kasama. Hayaan mong tingnan kita sa imahinasyon ko. Kahit di mo ako nakikita. Hayaan mong kausapin kita kahit sa hangin lang. Kahit di mo ako naririnig.  Mahalin natin si LORD ng buong puso natin. Kaya palagi kung sinasabi sayo na magpatuloy lang tayo. Kasi alam ko na sa ganitong paraan nag kakaroon tayo ng iisang mission at vision sa buhay. We work as one for God and for Him alone. Panatag ako Mai. Magiingat ka Mai. Padayon lang!