Alam kong matagal ka nang naghihintay. Matagal ka nang nag-hahanda. Ngunit patawad, Kaibigan. Dahil gusto kita pero hindi ko pa kayang sabihin. Patawarin mo ako kung hindi ko kayang i-pagsigawan. O sabihin man lang sayo ng harapan ang nararamdaman. Patawarin mo ako kung hindi kita mapahalagahan sa paraan na dapat mo sanang nararanasan. Patawarin mo ko kung wala akong magawa Sa mga panahong kinakain ka ng iyong lihim na inggit. Dahil ang mga kaibigan mo ay mayroon ng kasintahan. Patawad dahil hindi ako pwedeng gumalaw. Patawad dahil hindi ko pwedeng sabihin sayo. Patawad dahil kailangan mong tiiisin ang mga naririnig mo. Ang panunukso at pambubugaw sa kung sinu-sino ng mga kaibigan mo. Patawad dahil hindi ako pwedeng mangialam. Patawarin mo ako dahil gusto kita. Pero hindi pa kita kayang mahalin. Patawad, Kaibigan. Dahil hindi pa tama ang panahon. Dahil ang pag-ibig ay hindi minamadali. Dahil ang tunay na pag-mamahal Ay yung kayang mag-hintay at kahit walang k...